Search This Blog

Saturday, February 19, 2011

Ang talambuhay ni Karen Anoyo.

ako si karen
              Ako si Karen Anoyo isa akong taong mabait, palakaibigan, at mapagkakatiwalaan. Minsan makulit, nakikipagbiruan sa oras ng biruan at seryoso pag seryoso ang usapan. Isinilang ako noong ika labing lima ng Agosto labingsiyam siyamnapo't apat. Isinilang ako sa bayan ng Brgy. Sta. Ana San Pablo City, Laguna. Ako ang pinakabunso sa aming mag kakapatid meron akong apat na kapatid na lalaki, sila sina Gilbert na may edad na 35, Raymond na may edad na 30, Ahmer na may edad na 24, at Marvin na may edad na 21. May dalawa akong ate sila ay sina Sheryl na may edad na 33, at Precy na may edad na 27. Sila ang ang mga kapatid kong mapagmahal at kahit na madami kami masaya at nagkakatulungan kami at nakakaya kaming palakihin ng maayos ng aming mga magulang. Sila sina Edison Atienza Anoyo at Rosita Moredo Moresca. Masaya ako na sila ang aking mga naging magulang dahil mababait sila at  mapagmahal na mga magulang sinusunod nila kung ano ang gusto namin na alam naman nila na makakabuti para sa amin. Hindi nila kami pinapabayaan ginagawa nila ang lahat para mapalaki kami ng maayos at ang nanay ko ang siyang nag titinda sa aming Sari-sari Store. Ang aking ama naman ay ay isang konsehal sa aming barangay halos sampong taon na siyang nanunungkulan sa aming sa aming barangay. Ang aking ama ay napakabait at matulungin sa aming mga kabarangay. Dito sa barangay ng Sta. Ana na kung saan ako lumaki at naging aktibo.
ako ay 6 years old
16 years old ako ganda ko
             Nag simula ako ng aking pag aaral sa paaralan ng aming nayon sa Sta. Ana Elementary School dito ako nag umpisang mag aral, matutong magbasa at mag sulat. Dito di ako unang natutong makisama sa ibang mga bata na makipag kaibigan at makipag laro sa kanila gaya nalng ng larong piko, habul-habulan, chinese garter at marami pang ibang laro. Naalala ko rin na dito din sa paaralan ng Sta. Ana ako lumaban ng Mr. and Ms.Sports na kung saan ako ang pinalad na manalo kapareha ko noon na lumaban ang isa sa aking mga kaklase ko na hinahangaan ko. Hinangaan ko siya dahil siya ay matalino pero ngaun pinababayaan na niya ang pag aaral niya kaya bumababa ang kanyang mga marka at section ayan ang ilan sa aking mga naalalako sa mga nangyari sa akin noong elementary ako at ngayon na nasa sekondaryang lebel na kodito naman ako nag aaral sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School na kung saan ipinagpatuloy ko ang aking naumpisahan noong elementary ako panibagong  pakikisama, panibagong mga kaibigan. Natatandaan ko noong first year high school ako sa pangkat isa seksyon c na lumaban kami ng ibong adarna at doxology na kahit  hindi kami nanalo natanggap agd namin ito at bumawi na lang kami sa iba pang mga actvity noon at ako ay second year na nasa seksyon c ay naalala ko noon ng sumali kami sa contest ng Forante at Laura na kung saan nakamit namin ang ikalawang pwesto. Third year na ako ay napalipat ako sa seksyon ng B. Alam kong isa na naman itong bagong pakikisama, pero masaya ako kasi nadadagdagan na naman ang aking mga magiging.kaibigan.

             Natatandaan ko na dito ako natuto ng pag aayos ng buhok ng ibat ibang pag dedekorasyon ng kuko, pag kukulot gamit ang iba't ibang bagay gaya ng curlers, tissue, at pag mamake-up gamit ang iba't ibang uri ng make up. Iyan ang ilan sa mga activity o pangyayari sa akin noong mga nakaraang taon . Ngayon fourth year na ako na may edad na labing anim  dito naranasan ang mga activity na nag bigay saya sa akin gaya ng Science camp na kung saan masaya kung nakasama ang mga kaklase ko na para ko naring kapatid  at ang isa pa sa hindi ko malilimutan ay ang mini olympics ng mga fourth year ng  Dizon high kung saan nag paligsahan sa mga larong gaay ng football, volleyball, basketball at marami pang mga laro at ng mag labanan din ng nasabing cheerdance na kung saan hindi inaasahang kami ang nag champion . Naranasan ko din dito sa Dizon high ang sinsabing  juniors and Senioras prom. na kug saan malayang maisasayaw ng isang lalaki ang isang babae na mga classmate at mg kaibigan at hinahangaan nila gaya ko isinayaw ako ng mga taong mga maalpit sa akin sila ang aking mga kaibigan kong lalaki. Ito na nga ang ilan  sa mga pangyayari sa aking buhay at masaya ako sa mga naranasan ko sa buhay at sa ngayon magtatapos na ako ng High School sa darating na Abril at isa ito sa pinakmasayang pangyayari sa akin.
nang sumali ako nan mardgra

              Nag papasalamat ako sa mga magulang ko na marahil kung wala sila ay hindi ako lalaki ng maayos at hindi ko siguro siguro makakamit ang kung ano ang meron ako sa ngayon. Masaya ako na sila ang naging magualng ko kasi mapalad ako dahil hindi nila ako pinababayaan at masaya akong makasama sila at hindi ko sila ipagpapalit sa kahit anong bagay.
6 years old ako

             Kay bilis dumaan ng panahon at mga taon kailan lamang aykinder ako . Naalala ko ang aking kakulitan ang kabaitan na naibahagi ko sa iba. Ang pag tuntong ko sa High School ay isang malaking pag subok at hamon sa aking kakayahan at abilidad bilang tao. Maraming pag subok ang dumaan sa aking buhay. Ang bawat pag subok na iyon ang mas lalong nagpatatag sa aking paniniwala  at sa lakas ng aking loob upang harapin ang mga susunod na pagsubok at yugto ng aking buhay. 
ako ngayong highskul

            Hindi ko malilmutan ang aking mga karanasan ito ay magiging bahagi na ng aking buhay hanggang sa aking pag tanda, pag kakaroon ng mga anak at asawa. Maaring mawala ang alin mang materyal na bagay na nasa akin ngayon ngunit ang mga ala alang ito ay nakakabit na sa aking pagkatao at kailanman ay hindi mabubura.
nag js prom kmi nun sa aming paaralan

             Ang paglalaha ko ng aking maikling  ngunit makabuluhang talambuhay. Malaking parte ng aking buhay ang naibahagi ko sa inyo  nawa sa inyong pag babasa tungkol sa akinng pagkatao ay mas ankilala niniyo ako ng lubusan. Dito na nagtatapos ang aking maikling talambuhay. Maraming salamat po sa inyong pag babasa.

No comments:

Post a Comment