Search This Blog

Loading...

Saturday, February 19, 2011

Ang Maikling Talambuhay ni Jonah R.Comia

               Maraming tao ang nag sasabing kilala na nila ako ngunit hindi nila alam kung sino nga ba ako sa kabila ng kanilang nakikita. Ano nga ba ang aking naging simula?

ako ngayong high skul

                Ako ang pang apat sa aming limang magkakapatid. Ako si Jonah Rivera Comia. Ang aking mga kapatid ay sina Argel, Elaine, Joshua at ang bunso si Daniel. Bunga kami ng pagmamahalan ng aming mga magulang na sina Zosimo Comia at Loida Rivera Comia .
                                                          Ang aking mga magulang.

                Ang aking ama ay dating tricycle driver at ang aking naman ay isang simpleng may bahay. Ipinanganak ako sa kalagitnaan ng gabi noong Disyembre, dalawampu't isa ng taong labing siyam, siyamnapu't apat araw ng miyerkules. Sa aking pag silang, bagamat hindi ako ang panganay sa aming magkakapatid ay nag hatid ako ng kasiyahan sa aking mga magulang at mga kapatid.
6 months ako nito

                 Lumaki ako sa pangangalaga ng aking mga ama at ina. Lumaki ako kasama nag aking pamilya. Naranasan kong maglaro kasama ang aking mga kaibigan, mag laro ng bahay-bahayan, tagu-taguan hanggang mapagod at maligo sa ulan. Naranasan ko ang simpleng buhay nasa maynila ay tila imposible. Isa sa pinakamasayang ala-ala ang aking pagkabata. Naalala ko ang pag akyat sa puno kasama ang aking mga kalaro at mga kaibigan, pag papalipad ng saranggola sa kalsada, pag lulutu-lutuan, pag lalaro ng mga larong kalye kasama ang mga batang hindi ko kilala at mamingwit ng isda sa dagat kasama ang aking mga pinsan pag sila ay dumadalaw sa amin tuwing may okasyon. Ang aking bayang kinalakihan ay biniyayaan ng magagandang tanawin. Ang aking ina ang unang naging guro sa akin siya ang nagturo sa akin kung paano bumasa at sumulat noong ako ay bata pa. 
3 years old ako

                 Sa pagpasok ko ng eskwelahan bilang isang kinder ay kasama ko ang aking nakakatandang kaptid pareho kami ng eskwelahang pinasukan. Sa bayan ding ito ako nag aral sa unang baitang ng elementarya sa San Pablo Central School. Pebrero, dalawampu't dalawa ng taong isang libo't isa ipinanganak ang aking bunsong kapatid na aming pinangalanang Daniel.


Ang aking bunsong kapatid at ang aking ina.
Ang mabait kong ate



               
Inienroll ako ng aking mga magulang sa eskwelahang iyon. Isa itong malaking pagsubok sa aking sapagkat wala pa akong alam sa dapat kong gawin. Subalit ganun pa man napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan at siya kong nalalapitan pag ako ay malungkot at may problema. Sa unang araw ng pasukan maraming mga bata ang aking nakikita, iba't ibang mukha mga iba't ibang ugali may mga batang mabait, palakaibigan at mga pilyo at pilyang mga bata. Sa loob ng classroom, una sa lahat ang gagawin ng teacher ay mag roroll call para sa attendance at para narin malaman kung sinu-sino pa ang mga wala kong kamag aral. iniarangwe kami alphabetically hindi ko na matandaan kung saan akong row noon. Pagkatapos noon ay ang taon taong self- intriduction hanggang ngaun. Marami ang nahihiyang pumunta sa unahan upang magpakilala ng sarili. at isa na ako sa kanila =). Bago mag simula ang klase tuwing lunes ay nzpunta kaming mga estudyante at pati narin ang mga teacher sa may covered court sa tapat ng gym upang mag flag ceremony umawit ng Lupang Hinirang ang ating pambansang awit. Pagkatapos noon ay manunumpa ng panatang makabayan at panunumpa sa watawat ng Pilipinas na ang tawag ngaun. Tanda ko pa noon pag katapos ng flag ceremony ay kasunod na nito ang pag eehersisyo na kalimitan naman ay hindi ako nakakasabay dahil minsan lagi akong late sa pag pasok.Bago mag simula ang pagtuturo ng aming teacher dati ay may akunti muana siyang aktibiti,un bang parang may intermission # muna ang isang estudyante pakakantahin, pasasayawin,o ipapakita ang talentong meron sila. buti nalang hindi ako tinatawag ng aking guro para mag ganun sa unahan. Araw araw ang sakit ng aking kamay sa kakasulat ng mga lectures at ahlos makuba na ko pag dadala ng marami at mabibigat na libro na hindi naman masyadong ginagamit. Sa umaga pag katapos ng ilang subjects ay ang favorite subject ng bawat estudyante ang recess o break time. Ang mga kaklase ko yung iba ay may dalang pagkain samantala yung iba naman na katulad ko ay nabili na lamang sa canteen wala na kasing panahon ang aking ina na mag handa pa ng aking babauning pagkain sa school. Pagkatapos ng break time ay isang subject nalang at awasan na. Binibigyan kami ng isang oras para kumain, umuwi at gawin ang aming gustong gawin. Noong grade one ako sinusundo ako ng aking tatay para umuwi at kumain sa aming bahay. Tapos ihahatid ako sa school. Malimit kaming pasulatin ng parag essay at isa na doong ang pinamagata na "My Ambition" at ang pangarap ko naman noon ay maging engineer, doctor, nurse, teacher at marami pa akong pangarap na maging dati. Pagkatapos ng Filipino (ang paborito kong subject), science, hekasi, at english ay uwian na pero hindi mawawala ng assignment sa araw-araw. Bago ako umuwi ay dapat mag linis kami ng aming silid aralan kasama ang aking mga kagrupo. Habang ang ibang bata naman ay naglalaro pa habang nag aantay ng kani-kanilang sundo. Ako naman pag katapos mag linis ay tahimik lang akong mag aantay sa aking kuya at sa aming sundo ang aming tatay , haindi ako nakikipag laro sa ibang bata dahil nahihiya ako dahil hindi ko naman sila kilala.

         Tuwing  Holiday Vacation o kung anu pa mang vacation basta walang pasok ay tuwang tuwa ako. Hindi kailangang gumising ng maaga at gawin ang iba ko pang daily routines. Pero pag balik sa school ang laging pinapagawa ng aing guro ay isng pag hahalad ng aming mga ginawa ng buong bakasyon. Sa pag tatapos ng bawat school year ay hindi nawawala ang pag papasulat sa amin ng aming mga natutunan sa buong taon ng aming pag aaral take note 100 words and above dapat. 

            Nag tapos ako ng elementary sa San Pablo Central school sa pag tuntong ko sa mataas na paaralaan  sa katabi lamang ng aming school ako pumasok. Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Sa gulang na 13 ay tumuntong ako ng sekondaryang lebel. Dito ko naranasan ang pinakamsayang parte ng aking buhay  ko na kailanman ay hindi ko malilimutan. Dahil dito buong klase ay mag kakaibigan. Dito ko natagpua ang aking taong hinahangaan. Dito ko rin naranasang mag sayaw sa harap ng ibang tao. Ang pag gawa namin ng doxology, pag sasadula ng ibong adarna at ang hindi ko malilimutang nutri jingle. Bagamat hindi namin nakakmit ang matataas na pwesto ay naktulong ito sa amin upang mas pag butihin pa sa mga susunod na mga contest. Nag bunga ng maganda  ang aming pag kakaisa. Nakuha namin ang pangalawang pwesto sa Florante at Laura at nag champion kami sa naganap na cheerleading competition?  Naging masaya ang aming pag lalaro sa naganap na mini olympics ang pag sali namin sa football, soccer,volleyball at basketball. Hindi ako naging masyadong naging aktibo sa iba pang mga gawaing pampaaralan.
nang kami ay nag CHAMPION sa CHEERDANCE
           
                  Kailanman ay hindi ko ipagpapalit ang mga karanasan ko dito. Lubhang napakalaki ng naging papel ng eskwelahang ito sa aking pag hubog  bilang isang tao. Dito ko nakilala ang mga kaibigan kona handang dumamay sa kasiyahan at kalungkutan, ang mga taong naging inspirasyon ko. Sa eskwelahang ito nabuo ang aking prinsipyo , lakas ng loob, at mga pangarap dito ko natutunan ang pakikipagkapwa at pakikisama sa mga ibang estudyante. Bilang isang estudayante at anak  nag aral ako sa abot ng aking makakaya sinikap kong maging magaling na mag aaral.

               Sa aking nalalapit na pag tatapos sa darating na Abril ay lubos akong nagagalak dahil nakakatuwang isipin na ako ang batang dating walng muwang sa mundo ay makakatapos na ng high school. Itong aking pag tatapos rin ang aking magiging pinakamalungkot na bahagi ng aking buhay. Hindi ko inaakalang sa ikalawang pag kakataon ay mahihiwalay akong muli sa aking mga naging kaibigan.
AT ITO NAMAN ANG MGA KAIBIGAN KO SI CARLA,KAREN AT PAULYN

ANG AKING MGA magigiliw na kaklase


                Hindi ko matatawag ang aking sarili bilang isang simpleng tao. Marami akong pangarap na maaring sa iba ay malayo sa riyaldad. Nais kong mag ligtas ng buhay. Naniniwala akong hindi kailangang mamuno para mag silbi , ang bukal sa loob na pag tulong o paglilingkod ang mas mahalaga. Lahat ng mga karanasang ito ay itinuturing kong yaman ng aking buhay at parte ng aking pagkatao.

              Ito ako sa iyong pag babasa ng aking maikling talambuhay ay may nalaman ka tungkol sa akin.ngunit sa kasamaang palad ay kakaunti pa lamang iyan. Kung ako'y pakikisamahan marahil sa pag kakataong iyon ay tunay moh akong makikilala at ganoon din ako sa iyo.

1 comment: