Search This Blog

Saturday, February 19, 2011

Ang talambuhay ni CarLa Mae.

4th yer na ko nito
1 year old ako
Marami tayong mga karanasan na kalianman ay hindi natin makalimutan.Mga malulungkot,masasaya,at maging mga kalikutan na nangyayari sa bawat yugto ng ating buhay.At dahil sa mga pangyayaring ito ay marami tayong natutunan na mga bagay bagay tulad ng natuto tayong magpahalaga sa mga bagay,ang matutung umibig…..
Ako si CARLA MAE MARASIGAN CABALTICAN…
ate mayo ko at anak nya si ping
Isinilang  aq sa Sta.Rosa Laguna,noong ika dalawa ng Oktubre taong labing syam syam na  po’t apat.Mayroon akong kakambal na nag ngangalang Marx Lennin Marasigan Cabaltican.Apat kaming  mag kakapatid pang tatlo ako at bunso naman si marx.Pang tatlo ang ate ko na SI Kathlyn Mae Marasigan Cabaltican na dalampu’t isang taong gulang,hindi nya natapos ang kanyang pag aaral kaya maaga syang nag banat ng buto.Panganay naman nag ate ko na si Fleur DE May Marasigan Cabaltican na ngayon ay isa ng Elias dahil nakapag asawa sya ng isang Muslim na si Alimoddin Elias katunayn ay may anak pa nga silang babae na nag nga ngalang  Safiyyah Bint Fatima Cabaltican Elias na dalawang taong gulang na.Bunga kami ng mabuti at mabungang pag iibigan ng aking ama na si Rodrigo Madriaga Cabaltican at ang aking ina na si Imelda Adao Marasigan.ang aking ama ay nakatungtong ng kolehiyo samantala ang aking ina ay hayskul lamang.Kapwa sila nag tatarbaho.Hindi ko noon makakalimutan kasagsagn noon ng bagyo ng mag labor si mama,malakas ang ulan,matindi ang baha,nang manganganak na si mama ay pumasok ang tubig sa loob n aming bahay,kabado noon ang aking ama,kaya ng mailabas kami mula sa tiyan n gaming ina ay nilagay kami agad sa taas ng aming malaking cabinet.Inantay humupa ang ulan at bumaba ang tubig agad kaming dinala sa ospital.Sa awa ng diyos ay ok lang ang kalagayn naming tatlo.
ang aking mahal na ina
ako at kakambal kong si marx
ako,te camae,te mayo,marx
ang ate camae ko


Nung ako ay isang taong gulang pala mang,aksidenteng naagasan si mama nasa limang buwan na ang kanyang dinadala ngunit sa kasamaang palad ay naagasan siya.Matinding kalungkutan ang naramdaman ni mama noong mga oras na iyon,ngunit sa pag tagal ng panahon unti unti na nyang natanggap.Mananahi lamang ang kinabubuhay noon ng aking ina samantala nag tatarabaho naman ang aking ama sa isang factory.Noong ako nasa dalawang taon gulang ay nag desisiyon ang aking ama na mag trabaho sa ibang bansa dahil hindi sapat ang kinikita ni mama sa pananahi,samantala na bankrupt ang kompanya na pingtatrabahuhan nya.Nag trabaho ang kaing ama sa Saudi Arabia.sa Jeddah.Nangumalis ang aking ama ay nag desisiyon kaming lumipat sa ibang lugar sa kadahilanang matindi ang baha sa aming lugar noon.Kaya lumipat kami sa San Pablo,doon kami lumaki at doon narin kami nakapag aral  sa Paaralan ng Elementarya ng Soledad at dito din nakahanap ng kaunting mapagkakaitaan ang aking ina,nag titinda sya sa kantina ng Soledad.
Grade 2 ako nun,hindi ko makakalimutan ang grade skul na ito napaaway ako nun sa isa kong kaklase dahil sa inaaway nya ang aking kakambal niloloko nya itong bakla kaya naglit ako at nakipagpanuntukan ako,at dahil sa nangyari yun ay naparusahan ako ni mama,pinalo nya ko sa puwit.Ngunit ayos lang yun sakin dahil alam ko na dinidisiplina nya ko.Nang ako ay na ikatlong baitang na kong na elect ako bilang muse ng aming klase.haha napag kaisahan lang anman ako ng aking mga kaklase.Nang nasa ikaanim na baitang na ko,excited na kong maka graduate at makatungtong ng hayskul.Ngunit medyo nagging malungkot ang araw ng aming graduatoion dahil paalis na nun ang aking ama pabalik na ulit sa Saudi
Ngunit ayos lang iyon dahil naiintindihan naming kung bakit siya bumabalik doon ay pag trbaho para sa aming pag aaral kaya mahl na mahal naming ang ama namin,mahl din naman naming an gaming ina.
Ayun nga at nakagraduate na ko nakasungkit ako ng dalawang karangan ito ay ang pag kapanalo ko ng ikalawang pwesto sa hekasi ‘quiz bee’,at ang pagiging 1st achiever ko Masaya talaga at proud ako sa sarili ko dahil nag bunga ang pag titiyaga at pag hihirap ko sa pag aaral.Samantala,ang aking kakambal naman ay nag kamit ng 1st honor o ‘Valedictorian’proud ako sa aking kakambal.Simula kinder hanngang ikanim na baitang kami ng kakambal ko ay lagging magkasama ngunit ngayong hayskul ay nag kahiwalay kami ng paaralan na pinapasukan ang kakambal ko ay sa ‘scienc’e hayskul  sa may San Jose samantala ako naman ay sa’ Col.Lauro Dizon High School’.Noong ako ay 1st year ay nasa seksyon A ako madami akong nagging kaibigan nakilala ko si Zsarene,Krislyn,Reychelle,Sharmaine,Jelyn,Anjanette.Sila ang lagi kong kasama .Ngunit nagging malungkot ako ng mabalitaan n gaming pamilya ang pag kamatay ng aming ama.Namatay siya sa isang ‘car accident’.Nang umuwi ako ay matinding kalungkutan ang bumabalot sa buo naming bahay.Walang tigil sa pag iyak ang aking ina,naawa ako sa kanya dahil sa ilang taon nilang pag sasama ay ganun pa nangyari,matindi din ang aking naramdamang lungkot dahil hindi naming nakasama sa aming paglaki an gaming ama,kaya matinding kalungkutan an gaming naramdaman.Ngunit  kailangan naming tanggapin ang katotohanan kaya habang tumatagal ay unti unti nanaming natatanggap.Lumipas ang madaming panahon,Ngayon ako ay nasa 4th year na ko.Ngunit hindi nga lang sekxyon  A.Napalipat ako sa seksyon B pero au slang ditto ay nakilala ko ang aking mga tunay na kaibigan sila Ate pau,Jonah,Ate Karen.Sila  lagi ang aking kasama sa hirap man o ginhawa.Masaya ako dahil napalipat ako sa seksyon B,ganito pala sa seksyong ito,Masaya at tulong tulong,nag dadamayan sila sa mga problema nila,hindi sila nag iiwanan.Guro ko ngayon ang napakabait na si Mr.Villanueva Masaya ko at nagging guro ko siya,kahit medyo kwela ay may nakukuha kaming aral sa kanya.Dito sa seksyon ko ito din nakilala si Charie jhon Enmacino,mabait siya,isa sya sa mga nag mahal sakin ng higit pa sa kaibigan.Ang MAHAL KO,ngunit sadyang ganyan ang panahon may tym na dapat kami ay mag kahiwalay,kahit masakit ay iniwan ko siya para sa ika aaus ng relasyon aking mama,dahil ayaw pa nya ko mag boyfriend kaya sumunod nalang ako sa gusto nya.At natanggap naman un ni charie,kaya malaki ang pag papasalamat k okay.charie.

Ngayon ako ay graduating na,natututwa at proud ako sa sarili ko kasi  sa pag titiis at pag titiyaga ko sa pag aaral.Kaya naman inaalay ko ang tagumpay ko sa aking mama at papa mahal na mahal ko kayo.Nag papasalamat ako sa nanay ko na nag iisang nagtataguyod saming dalawa ng kapatid ko para makapag aral,SALAMAT SAYO MAMA.
Hanggang ditto nalamang ang aking talambuhay na punong puno ng kalungkutan at kasiyahan............

1 comment: